Filipino 7
Miyerkules, Disyembre 21, 2016
Korido
Korido
Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensiya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.-(c)Wikipedia,ang malayang ensiklopedya
Martes, Disyembre 20, 2016
"Sanhi at Bunga"
Sanhi at Bunga Sanhi-pagbibigay dahilan sa isang pangyayari. Bunga-resulta bisa at kinalabasan ng isang pangyayari. - Answer.Com
Biyernes, Disyembre 16, 2016
"Tauhan ng ibong adarna"
Don Fernando
Si Don Fernando ay ang hari ng Berbanya. Siya ay ang asawa ni Donya Valeriana at ang ama ni Don Pedro, Don Diego at si Don Juan. Kinalala ng ibang tao na siya ay isang maginoo.
Donya Valeriana
Si Donya Valeriana ay ang asawa ni Don Fernando. Kinala ng ibang tao na siya ay mabait at maganda.
Don Pedro
Si Don Pedro ay ang panganay ni Don Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamacho ang katawan at kaiman ang postura.
Don Diego
Siya ang pangalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakatahamik. Lagi siyang sumusunod sa mga utos ni Don Pedro.
Don Juan
Si Don Juan ang bunso ni Don Fernando at ni Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamahal ni Don Fernando dahil siya ay puno ng kabaitan. Mahal na mahal rin ni Don Juan ang mga kapatid niya.
Ang Manggagamot
Siya ay nanggamot kay Don Fernando. Sinabi niya na ang Ibong Adarna ang gamot sa sakit niya.
Bagong tauhan sa Kabanata 6
Ang Leproso
Siya ay dinaanan ni Don Juan upang humingi ng pagkain. Isa siyang tao na may sakit na tinatawag na lerprosyo.
Ermitanyo
Isa siyang tao na naninirahan sa bundok. Tumulong siya kay Don Juan upang hulihin ang Ibong Adarna.
Bagong tauhan sa Kabanata 9
Ang matanda
Pinahiran ng matanda ng gamot ang sugat ni Don Juan pagkatapos nang marinig ng matanda ang dasal ni Don Juan. Masasabi mo na isa siyang “Good Samaritan” dahil sa ginawa niya.
Bagong tauhan sa Kabanata 14
Donya Juana
Siya ay isang magandang princesa sa Armenya. Humahanga ang prinsipe sa kanyang kagandahan
Higante
Siya ay isang dambuhala na nagbabantay kay Donya Juana.
Bagong tauhan sa Kabanata 15
Leonora
Katulad ni Donya Juana, siya ay isang magandang princesa sa Armenya. Siya ang kapatid ni Donya Juana.
Pitong Ulo serpyente
Siya ay isang serpyente na may agong tauhan sa Kabanata 19
Ang Unang Ermitanyo
Siya ay tinanong ni Don Juan upang makarating siya sa Reyno De Los Cristales.
Bagong tauhan sa Kabanata 21
Pangalawang Ermitanyo
Siya ay tinukoy ng unang ermitanyo na puntahin. Binigyan nito ng isang pirasong tela kay Don Juan para mabigay nito sa tatlong ermitanyo.
Tatlong Ermitanyo
Siya ang binigyan ng pirasong tela mula sa pangalawang ermitanyo.Sa pagbigay nito, tinanong ni Don Juan kung saan yung Reyno De Los Cristal. Siya ang kapatid ng pangalawang Ermitanyo
agong tauhan sa Kabanata 19
Ang Unang Ermitanyo
Siya ay tinanong ni Don Juan upang makarating siya sa Reyno De Los Cristales.
Bagong tauhan sa Kabanata 21
Pangalawang Ermitanyo
Siya ay tinukoy ng unang ermitanyo na puntahin. Binigyan nito ng isang pirasong tela kay Don Juan para mabigay nito sa tatlong ermitanyo.
Tatlong Ermitanyo
Siya ang binigyan ng pirasong tela mula sa pangalawang ermitanyo.Sa pagbigay nito, tinanong ni Don Juan kung saan yung Reyno De Los Cristal. Siya ang kapatid ng pangalawang Ermitanyo
Bagong tauhan sa Kabanata 22
Donya Maria
Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De Los Cristales. Gumagamit siya ng puting majika. Siya ang tinukoy ng Ibong Adarna kay Don Juan.
Bagong tauhan sa Kabanata 23
Haring Salermo
Siya ang ama ni Donya Maria. Gumagamit siya ng itim mahika.
Bagong tauhan sa Kabanata 22
Donya Maria
Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De Los Cristales. Gumagamit siya ng puting majika. Siya ang tinukoy ng Ibong Adarna kay Don Juan.
Bagong tauhan sa Kabanata 23
Haring Salermo
Siya ang ama ni Donya Maria. Gumagamit siya ng itim mahika. Kapag pinatulan mo ang isa, matutubo muli ang ulo. Nagbabantay siya kay Leonora.
"Panitikan"
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan.
Mga nilalaman
]Wika
" Wika" Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastalasn. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistikaNag-ugat ang salitang wika mula sa wikang malay. Samantalang nagmula naman sa kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
Mga anyo ng wika
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita.Mga antas
- Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-
araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang ingles at filipino - Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
- Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
- Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
- Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.
- Pampanitikan/panitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika .
Mga Kagamitan
- Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.
- Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
- Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.
Kategorya ng paggamit ng wika
Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di-pormal.
Pormal[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:- Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
- Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
impormal o di-pormal[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:- Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
- Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
- Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa:- mayroon=meron
- ayaw ko= ayoko
- nasaan=nasa'n -wikipedia malayang ensiklopediya
"Wastong paggamit ng may at mayoon-Report"
Ang mga salitang may at mayroon ay halos magkasintulad ang kahulugan. Ang pinagkaiba lamang ay ang paggamit nito ng wasto sa pangungusap. Naaayon ang gamit sa sinusundang salita.
A. May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita ay
1. Panggalan (noun) -
Halimbawa:
a. May pulis sa ilalim ng tulay.
b. May ipis ang iyong pagkain.
2. Pandiwa (verb)
Halimbawa:
a. May umaawit sa banyo.
b. May umaalulong na aso sa tumana.
3. Pang-uri (adjective)
Halimbawa:
A. May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita ay
1. Panggalan (noun) -
Halimbawa:
a. May pulis sa ilalim ng tulay.
b. May ipis ang iyong pagkain.
2. Pandiwa (verb)
Halimbawa:
a. May umaawit sa banyo.
b. May umaalulong na aso sa tumana.
3. Pang-uri (adjective)
Halimbawa:
a. May isang linggo na siyang hindi pumapasok sa paaralan.
b. May magarang sasakyan ang iyong kuya.
4. Pang-abay (adverb)
Halimbawa:
a. May iisa siyang salita.
B. Ang mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip na panao (personal pronoun) o pamatlig at pang-abay na panlunan (adverb of place).
Halimbawa:
1. Mayroon siyang malaking suliranin sa kanyang asawa.
2. Mayroon kayang pasok bukas?
3. Mayroon itong mabisang sangkap laban sa pagtatae.
4. Mayroon na ba siyang gamit sa pananahi?
Ginagamit din ang mayroon sa pagsagot sa tanong:
Halimbawa:
May asin na kaya ang sinangag?
Mayroon na. -Fillipino Tutorial
b. May magarang sasakyan ang iyong kuya.
4. Pang-abay (adverb)
Halimbawa:
a. May iisa siyang salita.
B. Ang mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip na panao (personal pronoun) o pamatlig at pang-abay na panlunan (adverb of place).
Halimbawa:
1. Mayroon siyang malaking suliranin sa kanyang asawa.
2. Mayroon kayang pasok bukas?
3. Mayroon itong mabisang sangkap laban sa pagtatae.
4. Mayroon na ba siyang gamit sa pananahi?
Ginagamit din ang mayroon sa pagsagot sa tanong:
Halimbawa:
May asin na kaya ang sinangag?
Mayroon na. -Fillipino Tutorial
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)