Huwebes, Disyembre 15, 2016

Final

Mikhaela S. Gabriel                                                                                               
VII-Boyle
Ang  Munting Pangarap

                    Siya si Mikhaela S. Gabriel.Labing dalawang taong gulang.Siya ay nakatira sa 3038 Pilar Kalye Tondo,Maynila.Siya ay ipinanganak sa Chinise General Hospital noong Disyembre,2,2003..Ang kaniyang mga magulang ay sina Ma.Editha  S. Gabriel at Roderic M. Gabriel.Bunso siya sa limang magkakapatid.Ang kaniyang mga kapatid ay sina  Kimmy S. Gabriel,Kevin S. Gabriel,Erika Nicole S. Gabriel at Angelika  S. Gabriel.Siya ay nasa ikapitong baitang sa Mataas na Paaralan ng Felipe G. Calderon.Madalas niyang pinaglilibangan ang paglalaro ng isport kagaya na lamang ng badminton tuwing bakasyon naglalaro siya kasama ang kaniyang mga kapatid at pinsan.
Noong bata pa siya ay mahiyain siya kapag nakakakita siya ng mga tao siya ay nagtatago sa isang sulok.Sa isang sulok na walang makakakita sa kaniya. Noong palaki na palaki na siya sabi sa kaniya ng nanay niya ng kailangan  niya ring makisama o makisalamuha sa ibang tao. Kaya nagkaroon siya ng maraming tunay na mga kaibigan na susuporta sa kaniya sa lahat ng bagay.Noong siya ay nasa ika-6 na baiting nagkaroon siya ng kaibigan na si Lhianne ,Ica at Juslyn ngunit nagkahiwalay sila noong nag high school na sila dahil nag aral sila sa iba’t ibang paaralan kaya noong nag high school siya nagkaroon ulit siya ng kaibigan na sina Precious,Princess at Gemmalyn may isa silang pagsubok na nangyari sa kanila yun ay ang nabungo ang isang babae  naghaharutan sila noong paakyat sa susunod na subject sa English may isa silang babaeng nabungo ngunit ayaw noong babae na nabubungo siya dun lumabas ang tunay na pagkakaibigan dahil sa pagtutulungan nila kung sino man ang naagrabiado.
                           Ang kaniyang pangarap ay maging isang mahusay na fashion designer dahil sa pagkahilig niya sa pagguhit.Ipinapangako niya sa kaniyang mga magulang  na  makakatapos siya sa kaniyang pag aaral para makatulong sa kaniyang mga magulang para maisukli niya ang lahat ng paghihirap ng kaniyang mga magulang para lang makapagtapos siya ng pag aaral.Nagpapasalamat din siya dahil hindi siya tulad ng ibang  bat na nanlilimos at hindi nag aaral,walang permanenteng tirahan,at pakalat kalat sa kalsada.Dahil para sa kaniya kung ang kayamanan mo ang iyong galling sa iyong sariling pawis hirap sulit  ang mga paghihirap na iyong ginagawa araw araw na pamumuhay.

                           

1 komento:

  1. The 12 Best Casino & Hotel Rates in Maricopa - Mapyro
    Maricopa's Best 평택 출장마사지 Casino 당진 출장샵 & Hotel · MARTINUM'S DREAMS · MARTINUM'S LAND · THE 영천 출장마사지 RATES AT 광주광역 출장마사지 AT HANDING · THE 부천 출장안마 HANDING ROULETTE.

    TumugonBurahin