Mga anyo ng wika
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita.Mga antas
- Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-
araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang ingles at filipino - Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
- Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
- Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
- Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.
- Pampanitikan/panitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika .
Mga Kagamitan
- Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.
- Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
- Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.
Kategorya ng paggamit ng wika
Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di-pormal.
Pormal[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:- Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
- Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
impormal o di-pormal[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:- Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
- Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
- Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa:- mayroon=meron
- ayaw ko= ayoko
- nasaan=nasa'n -wikipedia malayang ensiklopediya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento